Tuesday, May 8, 2012

Kapamilya stars take part in 'Metrowear Rocks the Runway'

Metro magazine takes to the fashion stage anew with the latest installment of its much anticipated fashion series, Metrowear Rocks The Runway on May 2. The show will feature a stellar combination of music and fashion as it showcases 20 designers and their unique interpretation of sustainable fashion.
 
Each designer was  tasked to re-imagine, innovate and transform various concepts and perceptions of eco-fashion into sleek and stylish pieces highlighting three of the biggest trends this season: Aquatic, Retro Romance and 1950s Couture. Among the designers who will be presenting at the show are Cary Santiago, Joey Samson, Avel Bacudio, Randy Ortiz, Francis Libiran, Dennis Lustico, Louis Claparols, Ronaldo Arnaldo, Jojie Lloren who will be paired with young designers: Sassa Jimenez, Kermit Tesoro, Mak Tumang, Ferdie Abuel, Eric delos Santos, Jerome Lorico, John Herrera, Veejay Floresca, Roland Alzate, and Martin Bautista, among others.

Kapamilya stars show off their stylish side as they take the opportunity to prance down the Metrowear catwalk. Hunky actors Rayver Cruz and Zanjoe Marudo join PBB Unlimited big winner Slater Young in modeling a modern take on menswear. Young fashionista and popular actress Kim Chiu will walk down the runway in a stunning creation by Francis Libiran. The beautiful and stylish Maja Salvador will appear in an dress by Avel Bacudio.

As a musical backdrop to the show, four of the most exciting Filipino rock acts - Wolfgang, Kjwan, Callalily and Rico Blanco - will serve up their biggest hits and add an edgy element to this Metrowear presentation.

Metro magazine celebrates 23 years of iconic style with a special anniversary gatefold cover which features dramatic actress Judy Anne Santos, award-winning actor Piolo Pascual and ingenue Maja Salvador.

Nikki, inagawan ni Empress sa 'Mundo Man ay Magunaw'

May namumuong love triangle ngayon sa pagitan nina Empress, Nikki Gil, at Ejay Falcon sa kanilang mga karakter sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na “Mundo Man ay Magunaw.” Matapos ang aksidenteng halik sa nobyo ng kaibigan niyang si Sheryl (Empress), nagsimula nang mahulog ang loob ni Jenny (Nikki Gil) kay si Niko (Ejay Falcon). 

Unti-unti na rin nararamdaman ni Sheryl ang biglaang pagbabago sa pagitan ng dalawang taong malalapit sa kanya. Anong mangyayari kapag natuklasan ni Sheryl ang pagtataksil nina Jenny at Niko? Mawawasak ba ang kanilang pagkakaibigan dahil dito? Samantala, ngayong alam na ni Dante (Emilio Garcia) na anak niya si Jenny, mabawi kaya niya ito mula kay Donya Alicia La Peña (Tessie Tomas)? 

Huwag palampasin ang lalo pang painit nang painit na mga eksena sa “Mundo Man ay Magunaw”, araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang impormasyon, mag log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa twitter o i-‘like’ ang Facebook fanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.

Mommy Dionisia, happy sa birthday gift sa kanya ni Rep. Manny Pacquiao

Isang bagong luxury mini-van ang naging advance birthday gift ni Pinoy boxing icon at Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa kanyang inang si Mommy Dionisia.

Sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing posibleng nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon ang naturang sasakyan at kauna-unahan daw sa lalawigan ng GenSan.

Bagamat sa Mayo 15 pa ang kaarawan ni Mommy Dionisia, inagahan na ni Manny ang pagbibigay ng regalo sa pinakamamahal na ina.

Nasa Baguio City ngayon si Pacquiao at nagsasanay para sa nakatakda niyang laban sa darating na June sa US.

Posibleng wala na sa bansa si Pacquiao sa mismong araw ng kaarawan ni Mommy Dionisia dahil lilipad na rin siya sa Amerika sa susunod na linggo para doon ipagpatuloy ang pagsasanay.

Labis naman ang pasasalamat ni Mommy Dionisia at wala na raw siyang mahihiling pa.

“Wala na 'kong masabi. Nagpasalamat na ‘ko sa Panginoon na binigyan ako ng anak na mabait," ayon kay Mommy Dionisia

Isabelle Daza, ‘killer beauty queen’ ang dating sa cover ng isang magazine

“Deadly" at sexy ang dating ng Kapuso host na si Isabelle Daza sa cover photo ng isang magazine. Sa naturang larawan, may sugat sa katawan si Isabelle at may hawak na butcher knife habang suot ang napakagandang white cut-out dress.

Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel, nasa karakter bilang killer beauty queen si Isabelle sa May cover ng Rogue Magazine.

Ang photo shoot ay pinamahalaan ng batikang photographer na si Mark Nicdao. Habang ang suot niyang white cut-out dress ay likha ni Martin Bautista.

Duguan at sugatan si Isabelle sa larawan. Ang Kapuso model-actress na si Solenn Heussaff ang gumawa ng prosthetic para sa sugat sa may kanang dibdib ni Isabelle.

Bahagi ng magandang resulta ng photo shoot ang stylist na si Pam Quiniones, make-up artist na si Robbie Piñera, at hair stylist na si Bren Sales.



Dahil sa ganda ng cover photo, marami ang nagpahayag ng paghanga sa konsepto nito at sa kaseksihan ni Isabelle.

Matatandaan na nabalot ng kontrobersiya ang photo shoot matapos mapaulat na sumugod doon ang ina ni Isabelle na si Ms Gloria Diaz dahil sa pag-aakalang masyadong sexy ang konsepto ng photo shoot para sa anak.

Dahil umano sa ginawa ng 1969 Miss Universe Gloria Diaz ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina. Bagay na itinanggi naman ng dating beauty queen.

Ayon naman kay Isabelle, maayos ang relasyon nilang mag-ina at normal lamang daw na magkaroon sila ng hindi pagkakasunduan.

RAYMART SANTIAGO / CLAUDINE BARRETTO AND MON TULFO FIST FIGHT CELEBRITY