Isang bagong luxury mini-van ang naging advance birthday gift ni Pinoy boxing icon at Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa kanyang inang si Mommy Dionisia.
Sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing posibleng nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon ang naturang sasakyan at kauna-unahan daw sa lalawigan ng GenSan.
Bagamat sa Mayo 15 pa ang kaarawan ni Mommy Dionisia, inagahan na ni Manny ang pagbibigay ng regalo sa pinakamamahal na ina.
Nasa Baguio City ngayon si Pacquiao at nagsasanay para sa nakatakda niyang laban sa darating na June sa US.
Posibleng wala na sa bansa si Pacquiao sa mismong araw ng kaarawan ni Mommy Dionisia dahil lilipad na rin siya sa Amerika sa susunod na linggo para doon ipagpatuloy ang pagsasanay.
Labis naman ang pasasalamat ni Mommy Dionisia at wala na raw siyang mahihiling pa.
“Wala na 'kong masabi. Nagpasalamat na ‘ko sa Panginoon na binigyan ako ng anak na mabait," ayon kay Mommy Dionisia
No comments:
Post a Comment