Tuesday, May 8, 2012

Nikki, inagawan ni Empress sa 'Mundo Man ay Magunaw'

May namumuong love triangle ngayon sa pagitan nina Empress, Nikki Gil, at Ejay Falcon sa kanilang mga karakter sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na “Mundo Man ay Magunaw.” Matapos ang aksidenteng halik sa nobyo ng kaibigan niyang si Sheryl (Empress), nagsimula nang mahulog ang loob ni Jenny (Nikki Gil) kay si Niko (Ejay Falcon). 

Unti-unti na rin nararamdaman ni Sheryl ang biglaang pagbabago sa pagitan ng dalawang taong malalapit sa kanya. Anong mangyayari kapag natuklasan ni Sheryl ang pagtataksil nina Jenny at Niko? Mawawasak ba ang kanilang pagkakaibigan dahil dito? Samantala, ngayong alam na ni Dante (Emilio Garcia) na anak niya si Jenny, mabawi kaya niya ito mula kay Donya Alicia La Peña (Tessie Tomas)? 

Huwag palampasin ang lalo pang painit nang painit na mga eksena sa “Mundo Man ay Magunaw”, araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang impormasyon, mag log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa twitter o i-‘like’ ang Facebook fanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.

No comments:

Post a Comment